Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga sa multi-million investment scam timbog

0 65

Nadakip ng operatiba ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) ang isang businesswoman na utak ng multi-million investment scam makaraang lumantad ang kanyang mga nabiktima matapos itong madakip sa Barangay Pagala, Baliwag, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Lawrence B.Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, ang suspek na si Ma. Lea Ulang, 29, dalaga, taga-Barangay Layunan, Binangonan, Rizal na nadidiin ngayon sa multi-milyong pisong investment scam.

Sa report ni P/Maj. Jansky Andrew Jaafar, Provincial Chief ng Bulacan PIU, nakorner si Ulang sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Estafa na inisyu ni Hon.Judge Mario B. Capela ng Branch 1 ng RTC Malolos matapos itong makipagtransaksyon sa Barangay Pagala, Baliwag.

Nang malaman sa social media (Facebook) ng isa sa kanyang nabiktima sa investment scam na si Rosemarie Guerero na nadakip ang suspek ay agad itong nagreklamo sa Bulacan Provincial Police Office (BPPO)-Malolos City.

Sa reklamo ni Guerero, nahikayat siya at kanyang mga kasama na maglagak ng pera sa itinayong investment ng suspek bunga ng matatamis nitong pananalita na kikita ang kanilang pera at umabot sa P13-milyong piso ang naibigay nilang pera ngunit sa bandang huli ay nadiskubre nilang isa itong scam. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.