Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga sumalpok sa bato, pisak ang ulo

0 101

DEAD-on-the spot ang isang dalaga matapos mapisak ang kanyang ulo sa aksidente sa Sitio Ampuroken, Barangay Sulbec, Pagudpud, Ilocos Norte noong Biyernes.

Kinilala ni Pagudpud Police Station chief-of-police P/Capt. Eduardo Santos, ang biktima na si Liezel Jane Caletena, 21, ng Barangay Poblacion 2, sa nasabing bayan.

Sa report ng PPS, sinabi ni Santos na sakay ang biktima kasama ang ilang kaanak sa isang kulong-kulong na minamaneho ng kanilang tatay at papauwi na.

Habang tumatahak sa Sitio Ampuroken, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang ama at tumama sila sa malaking bato.

Tumaob ang kulong-kulong at dito nadaganan at napisak ang ulo ni Caletena. Ilan sa kaanak niya ay nasugatan.

Inamin ng ama na nasa impluwensiya siya ng alak nang mangyari ang sakuna. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.