Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalaga tinumba sa gilid ng botika

0 83

Patay ang isang 32-anyos na dalaga nang tatlong ulit pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki matapos bumili ng gamot sa isang botika sa Barangay Baesa, Quezon City kahapon ng hatinggabi.

Nakilala ang biktima na si Marisol Sandoval Dizon, walang trabaho at taga-Alley 1 sa Barangay Baesa.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-12:00 ng hatinggabi nitong Linggo nang mangyari ang pamamaril sa gilid ng The Generics Pharmacy sa Carlos St., Barangay Baesa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon ni Staff Sergeant Rhic Roldan, nakarinig na lang ng putok ng baril sa lugar at nang usisain ng ilang residente ay tumambad ang nakabulagtang biktima.

Namataan din umano ang isang lalaki na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril, nakaitim na t-shirt at jersey short pants habang tumatakbong patakas.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang sa biktima at sa pagkakakilanlan ng suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.