Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagang estudyante binaril sarili sa ulo

0 181

Nasawi ang isang 22-anyos na dalagang college student makaraang barilin ang kanyang sarili sa ulo habang nasa loob ng kanilang bahay sa Quezon City noong Biyernes ng hapon.

Base sa naantalang report sa Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, bandang ala-una ng hapon nang madiskubre ang duguang bangkay ng hindi pinangalanang dalaga sa loob ng kanyang silid.

Sa imbestigasyon ni PSSg Anthony Tejerero, sinabi umano ng ina ng biktima na kagagaling lang niya sa palengke at papasok na sa gate ng bahay nila nang biglang makarinig ng malakas na putok ng baril mula sa loob ng kanilang bahay.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang Colt MK IV caliber .45 na kargado ng limang bala, isang fired cartridge case at isang basyo ng bala.

Walang nabanggit ang pamilya kung ano ang sanhi ng suicide. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.