Abante Tonite Interactive

Dalagang sumikat sa pagtutulak, bagsak

604

Naunsyami ang pagyaman ng isang dalagang drug pusher, matapos itong madakip sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa nang hapon.

Nakakulong ngayon sa Navotas City Detention Cell ang suspek na si Michaela Francisco, 20-an-yos, nakatira sa Block 28, Lot 15, Phase 11, Area 1, Dagat-Dagatan, Brgy. NBBS, Navotas.

Sa ulat kay P/Col. Rolando M. Balasabas, hepe ng Navotas Police, alas-2:45 nang hapon nang maaresto ang dalaga malapit sa kanilang bahay.

Bago ang pagkakadakip kay Francisco, naglatag muna ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas Police Station.

Isa sa mga pulis ang nagkunwaring buyer ng shabu.

Nang iabot ni Francisco ang isang plastic sachet ng shabu sa under cover na parak, dito na siya pinosasan nina P/Cpl. Raymund Nagal at P/Cpl. Catherine Buella.

“Uminit ang pangalan ng suspek sa kanilang lugar dahil sa pagbebenta ng iligal na droga,” ani Col. Balasabas. (Orlan Linde)