Abante Tonite Interactive

Dalagita 193 beses ginapang ni erpat

388

Matapos ang halos dalawang taong pagtatago ay nasakote na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Angeles City sa Pampanga ang 36-anyos na lalaki na nahaharap sa 193 counts of rape matapos na gawing sex slave ang kanyang sariling anak na dalagita.

Kinilala ang naarestong suspek na si Anthony, 36, may-asawa, taga-Camarines Norte.

Ayon kay Supt. Grace Madayag, tagapagsalita ng PNP-CIDG sa Camp Crame, nadakip ang suspek dakong alas-3:20 nang madaling-araw kahapon sa Purok 3, Brgy. Tabon, Angeles City sa Pampanga ng puwersa ng CIDG Pampanga at CIDG Bicol.
Napag-alaman na nagtago ang suspek matapos nitong gawing sex slave ang 17-anyos na anak noong Marso hanggang Hunyo 2017 sa kanilang bahay sa Daet, Camarines Norte.

Matapos magsampa ng reklamo ang biktima ay inilabas ni Daet, Camarines Norte Presiding­ Judge Evan D. Dizon ang warrant of arrest sa kasong multiple counts of rape laban sa suspek.

Walang inilaang piyansa ang korte sa pan­samantala nitong kala­yaan dahil sa bigat ng kasong kinakaharap.