Abante Tonite Interactive

Dalagita 3 buwan sex slave

177

Maagang nawasak ang kinabukasan ng 14-anyos na dalagita nang walang awa itong gawing sex slave sa loob ng tatlong buwan ng kinakasama ng kanyang ina, na isang Lupon Tagapamayapa ng barangay, sa Caloocan City.

Sa ulat ng Caloocan City Police-Women and Children Protection Desk (WCPD), partikular ni SPO1 Gigie de Jesus, ganap umanong alas-5:30 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay mismo ng ina ng biktimang itinago sa pangalang Winona, nasa ika-walong baitang, ng nasabing lungsod.

Kauuwi lamang umano noon ng ina ng biktima nang maaktuhan mismo nito ang suspek na si Rogelio Salonga, alyas ‘Bok’, 47, Lupon Tagapamayapa ng Brgy. 105 at residente ng Carolina St., 8th Avenue ng nasabing lugar na nakakubabaw sa biktima.

Abante Hiring – IT dep

Kitang-kita umano ng ina ang takot at umiiyak na anak habang hinahalay ng suspek. Natinag lamang ang suspek nang makita nito na naroroon pala ang kanyang kinakasama. Mabilis itong tumayo at nagbihis bago kumaripas ng takas.

Hindi naman nag-­aksaya ng panahon ang ina at sinamahan agad ang anak nito sa himpilan ng pulisya upang pormal na sampahan ng kasong panggagahasa ang suspek.

Ayon sa ina ng biktima, hindi siya makapaniwala at ni hindi nito inakala na magagawa iyon ng kanyang kinakasama dahil ang alam niya ay itinuring nitong parang tunay na anak ang biktima.

Ayon naman sa biktima, noon pang buwan ng Setyembre ng taong kasalukuyan nang inum­pisahan siyang halayin ng amain. Hindi naman umano siya makapagsumbong dahil sa pagbabanta ng suspek sa buhay nilang mag-ina.

Agad namang tinungo ng mga awtoridad ang bahay ng suspek ngunit ­hindi ito natagpuan.

Bunga nito, mabilis na ipinag-utos ni P/Senior Supt. Johnson Almazan ang man hunt laban sa suspek.