Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita 9 buwan ni-rape ni tatay

0 178

Hindi na nasikmura pa ng dalagita ang ginawang panghahalay ng kaniyang sariling ama sa loob ng halos siyam na buwan kaya nagsumbong na siya sa kanyang ina sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Agad na naghain ng reklamo sa pulisya ang ina ng 15-anyos na biktima hinggil sa ilang ulit panggagahasa nito.

Ayon kay Quezon City Police District Fairview Police Station 5 commander P/Lt. Col Melchor Rosales, alas-7:40 Lunes ng gabi nang kanilang arestuhin ang suspek base na rin sa reklamo ng mag-ina.

Lumalabas na Nobyembre 2019, nang unang halayin ng suspek ang kanyang anak at matapos noon ay ilang beses pa itong naulit. Pagkatapos umano ng kahalayan sa anak nito ay tinatakot niya ang biktima na huwag magsusumbong kundi ay papatayin silang magkakapatid.

Muling naulit ang panghahalay nitong Lunes ng madaling-araw habang nasa kahimbingan ng tulog ang biktima. Nagising umano ito dahil sa mayroong humahaplos sa maselan na parte ng kanyang katawan at nakita ang ama.

Nahaharap sa kasong paglabag sa o rape at child abuse ang ama. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.