Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita, binata naaktuhang hubad sa damuhan

0 750

Isang 20 anyos na lalaki sa San Jose Del Monte Bulacan ang huli sa aktong ginagahasa ang 15 anyos na kapitbahay.

Ayon sa ulat, nahuli ang suspek at ang biktima na parehong nakahubo sa isang damuhan.

Ang tiyahin umano ng biktima ang nakadiskubre sa maitim na balak ng suspek matapos mabasa ang mahahalay na chat ng lalaki sa biktima.

Nabasa rin ng tiyahin ng biktima ang mga mensahe ng suspek na nagsasabi sa dalagita na huwag magsusumbong sapagkat siya ay makukulong.

Ayon naman sa suspek, dalawang linggo na silang magkasintahan ng dalagita. Katwiran nito, kaya sila nahuling nakahubad ay dahil sa maliligo na sila sa ilog.

Gayunpaman, kumbinsido pa rin ang mga kaanak ng biktima sa masasamang balakin ng suspek at itutuloy nila ang pagsasampa ng kaso.

Leave A Reply

Your email address will not be published.