Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita binuntis, pina-abort ng stepdad

0 378

Dinakma ang isang lalaki nang mahuli sa aktong naglilibing ng tinatayang 6-7 buwang fetus, na kanyang ipinalaglag nang mabuntis ang anak-anakan, sa isang bakanteng lote sa Barangay Greater Lagro, Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Sa inisyal na report, nabuntis umano ng ‘di pinangalanang suspek, taga-Caloocan City, ang 14-anyos na dalagitang anak-anakan at ipinalaglag ang ipinagbubuntis nito.

Dahil hindi umano alam kung saan ito ililibing, naghanap siya ng tagong lugar at umabot siya sa Quezon City.

Ayon sa isang Leo Garra, nakita nila na may hawak na plastik ang suspek sa ilalim ng puno. Nang lapitan ay namataan ang mga tela na may mga dugo hanggang sa mabungaran ang fetus.

SM food to go Banner Ad

“Actually, ready na niyang ilibing yung bata, may hukay na po,” ayon kay Pritz Archie Salibio, miyembro ng Task Force Disiplina ng QC.

Sinabi naman ng suspek na nasa ibang bansa ang kinakasamang ina ng kanyang nabuntis na anak-anakan at natakot siya na malaman nito. Naaawa rin daw siya sa dalagita dahil bata pa ito at ayaw umano niyang masira ang kinabukasan.

“Nag-aalangan ako sa mama niya kasi nasa ibang bansa, tapos bata pa yun, masisira ang kinabukasan,” ayon sa suspek.
Itinurn-over sa Caloocan City Police ang suspek kung saan sasampahan ng reklamong intentional abortion. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.