Abante Tonite Interactive

Dalagita bumulusok sa bodega, todas

By
403

Patay ang isang 15-anyos na dalagita nang mahulog sa bubong ng bodega ng pabrika ng papel sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Base sa ulat ng Caloocan City Police- Station Investigation Division Management Branch, kinilala ang nasawi na si Marichu Pellejera na residente ng F. Aguilar St., Barangay 139 sa nasabing lungsod.

Bandang alas-3:30 nang madaling-araw nang maganap ang insidente sa bodega ng EMBU Integrated and Trading Corp. sa kahabaan ng Katipunan St., Barangay 139.

Bago nangyari ang insidente, nakita pa umano ang dalagita kasama ng mga kaibigan na nakatambay sa harapan ng bodega nang magkatuwaang umakyat sa bubungan nito.

Naunang umakyat ang dalagita pero habang nasa itaas na ito ay biglang nadulas at tuluyang nahulog na una ang ulo nang malag­lag.

Hindi na nagawang maisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima dahil agad itong binawian ng buhay dahil sa malalang pinsala sa kanyang ulo at katawan.