Abante Tonite Interactive

Dalagita dinonselya ng chatmate

516

Maagang nayu­rakan ang pagkababae ng isang dalagita makaraang gahasain umano ito ng kanyang naging ka-chat sa Pulilan, Bulacan.

Ayon kay P/Col. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan Police, base na rin sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Liza, 16-anyos, bago naganap ang panggagahasa ay naging chatmate ang biktima at ang suspek na si Bryan Parale, 18-anyos.

Kalaunan ay nagpasyang magkita ang dalawa kung saan dinala ng suspek si Liza sa kanilang bahay at doon ginahasa.

Pag-uwi ng biktima ay ipinagtapat nito sa ina ang nangyari kaya nagsumbong sila sa mga pulis.

Agad namang nirespondehan ng mga pulis ang insidente na ikinadakip ng suspek sa kanyang tirahan sa Brgy. Lumbac, Pulilan, Bulacan nitong Hulyo 11.

Ang suspek ay dinala sa Camp Gen. Alejo Santos sa Malolos City. (Jun ­Borlongan)