Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita dinukot, 10 araw binaboy

0 88

Nasagip nitong Lunes ng gabi ang 14-anyos na babae na dinukot at ginawang sex slave ng ka-chat niya sa Facebook sa loob ng 10 araw sa tahanan nito sa Quezon City.

Ang suspek na nadakip ay nakilalang si Jerald Avenilla Porqueriño, 21-anyos, walang trabaho, tubong Mauban, Quezon Province at naninirahan sa Kamias Road kanto ng Maliksi Street, Brgy. Pinyahan, QC.

Sa report ng Kamuning Police Station 10 ng Quezon City Police District, bandang alas-2:00 ng hapon, Enero 1, nang dukutin ang biktima sa Talavera, Nueva Ecija at dalhin ng suspek sa tahanan nito sa nasabing barangay sa QC.

Batay sa imbestigasyon ni P/MSg. Virginia Balberona ng Women and Children Protection Desk ng PS-10, ang biktima at ang suspek ay magka-chat sa Facebook Messenger simula pa noong Disyembre 24, 2021.

Sa pamamagitan ng text messages ay nakumbinsi ni Porqueriño ang dalagita na magkita sila sa isang barangay sa nasabing bayan sa Nueva Ecija.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang magkita ay dinala ng suspek ang biktima sa bahay ng kaibigan ng nauna sa ibang barangay sa Nueva Ecija at nanatili sila roon nang mahigit 20 oras.

Dahil dito, nagpasya ang dalagita na umuwi na pero puwersahan siyang isinakay ng suspek sa Baliwag Transit patungong Maynila at dinala sa tahanan ng huli kung saan siya paulit-ulit na pinagsamantalahan nito hanggang Enero 10.

Nang makakuha ng pagkakataon ang biktima ay kinontak niya ang kanyang mga magulang na agad namang lumuwas ng Maynila at humingi ng saklolo sa mga opisyal ng Brgy. West Kamias na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A. 8353, R.A. 7610, at Forcible Abduction laban kay Porqueriño. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.