Abante Tonite Interactive

Dalagita dinukot, ginahasa ni uncle

By
1,215

Nasakote ng mga tauhan ng Intelligence and Warrant Section at Manila Police District (MPD)-Police Station 4 ang isang lalaki na inakusahang tumangay at nanggahasa sa 16-an­yos nitong pamangkin sa Sampaloc, Maynila.

Nakadetine sa MPD-PS 4 ang suspek na si Andrei Yamson, ng Halfway NBP, Muntinlupa City.

Naaresto ang suspek kamakalawa sa kanyang tahanan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Presiding Judge Ma. Celestina Mangrobang, ng Manila Regional Trial Court Branch 38 dahil sa kasong qualified rape.

Abante Hiring – IT dep

Nabatid kay PO1 Jo Salalac, ng MPD-PS 4, si Yamson ang itinuturong tumangay at gumahasa sa 16-anyos na anak ng kanyang kapatid na babae.
Sa report, naganap ang krimen sa tahanan nito sa Amelia Street sa Sampaloc.

Sinamantala umano ng suspek ang pag-alis ng ina ng dalagita bago isinagawa ang pagta­ngay at panghahalay.

Noong Mayo 17, 2018 ay nagtungo ang ina ng biktima sa pulisya at ini-report na tinangay ng kanyang kapatid ang kanyang anak.

Muling hinalay ang biktima noong Agosto ngunit nang magkaroon ng pagkakataon ay tumakas ito at umuwi sa kanilang tahanan.

Sinabi ng suspek na napamahal na sa kanya ang pamangkin kaya niya ito nagawang itakas at halayin.