Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita ginapang ng erpat

0 130

HIMAS rehas ang isang ama matapos nitong gahasain ng paulit-ulit ang 14-anyos na anak na babae sa Rosales, Pangasinan.

Ayon sa Rosales Police Station (RPS), hindi muna pinangalanan ang suspek dahil sa nagsasagawa pa sila ng follow-up investigation sa insidente.

Sa inisyal na report ng RPS base na rin sa testimonya ni Maricar (di tunay na pangalan), ginagahasa siya ng ama sa tuwing umaalis ng bahay ang kanyang nanay.

Ayon sa biktima, hindi daw siya makapagsumbong dahil tinatakot siya ng amain at binabantaan na papatayin.

Sa kabila ng banta, sinikap ng dalagita na makapagsumbong kaya inaresto ang suspek.

Sinabi ng RPS, ayon na rin sa ina, pinatawad na umano ng biktima ang suspek ngunit mariin itong itinanggi ni Maricar.

Sa kulungan, inamin ng suspek ang kasalanan at nagawa raw ang krimen dahil natukso siya at nakainom ng alak. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.