Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita na galamay ng drug syndicate niratrat

0 78

Pumanaw ang isang 17-anyos na babae matapos pagbabarilin sa ulo ng isang hindi pa natutukoy na lalaki sa Pasay City.

Nasapol ng CCTV recording sa Barangay 95 ang pagtambay ng lalaki sa tapat ng isang bahay sa Pasay na tila may hinihintay.

Nakuha naman sa CCTV ng Barangay 96 ang isang rider na huminto sa dulo ng kaparehong kantong kinatatayuan ng biktima.

Nilapitan ng rider ang biktima at makailang ulit na pinaputukan sa ulo dahilan para agad itong masawi.

Related Posts

Ayon sa isang ulat, nasabat sa crime scene ang isang sachet ng marijuana.

Palagay ng kapulisan, may kinalaman ang pamamaril sa double dealing ng ilegal na droga.

Batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, pumalya umanong i-remit ng biktima ang kita mula sa pagbebenta niya ng droga.

Kasalukuyang tinutugis na ng kapulisan ang mga suspek sa pamamaril. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.