Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita na pipitas ng mangga ni-rape

0 227

Kalaboso ang 42-anyos na lalaki matapos niyang gahasain at pagbantaan ang 11-anyos na batang babae na kukuha lamang sana ng mangga sa Barangay Cobol, San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ng San Carlos City Police ang suspek na si Gerardo Soriano, 42, at residente ng Brgy. Dumpay, Basista sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bago ang insidente, pumunta umano ang biktima sa manggahan malapit sa kanilang bahay. Dito, nakita siya ni Soriano at hinila sa damuhan para gawin ang panggagahasa.

Pagkatapos ang pangre-rape, nagbanta pa umano si Soriano sa biktima na may mangyayari sa kanyang masama kapag nagsumbong siya sa mga pulis at magulang nito.

Gayunman nabatid pa rin ito ng mga magulang ng biktima na sa labis nag alit ay kamatayan ang hinihinging kaparusahan sa suspek. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.