Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita naabo habang natutulog

0 56

Natusta nang buhay ang isang 14-anyos na babae matapos ma-trap sa loob ng kanyang kuwarto habang nasusunog ang kanilang bahay sa Brgy. Pulanglupa Dos, Las Piñas City, Linggo ng umaga.

Ayon kay Las Piñas City Fire Depart­ment arson investigator officer-in-charge SFO1 Mar Fajardo, hindi muna kinilala ang biktima dahil nasa murang edad lamang ito.

Sa report, ayon kay Fajardo, sumiklab ang apoy dakong alas-8:01, kahapon ng umaga. Nagmula ang sunog sa isang kuwarto sa unang palapag ng bahay na nasa Acacia St., Camella Home Phase 5 subdivision.

Natutulog ang dalagita sa kanyang kuwarto sa ikalawang palapag. Naka­labas ng bahay ang mga magulang at lola ng biktima. Masyado na umanong malaki ang apoy nang sinubukang ba­likan ng tatay ang dalagita.

SM food to go Banner Ad

Naapula ang apoy matapos ang mahigit-kumulang dalawang oras. Na­tagpuan ang labi ng biktima sa kama.

Ayon sa opisyal, tanging isang bahay lang ang nagliyab.

Inaalam pa ang dahilan ng sunog. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.