Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita nalasog sa PNR

0 128

Patay ang isang 17-anyos na dalagita matapos makaladkad ng rumaragasang bagon ng Philippine National Railways (PNR) kamakalawa sa Beata station, Pandacan, Maynila.

Kinilala ng Manila District Traffic Enforcement Unit -Vehicle Traffic Investigation Section, ang biktimang si Reniel Santos Estoya, taga 2611 K Jesus St. Bgy. 836 Zone 91 Pandacan Maynila.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-8:43 ng gabi sa may southbound ng riles ng PNR sa may Beata station.

Ayon kay Chairman Paulino Soberano, ng Brgy. 836, nakita ang biktima na naglalakad sa riles ng tren. Sinasabing sa kabila umano ng sunod sunod na pagbusina ng train operator na sina Andrew Ranoa at Jeff ay binalewala umano ito ng dalagita hanggang sa mahagip siya ng tren na may body no. 921 EMU 6 at nakaladlad pa ng ilang metro.

Ayon kay PCpl. Paul Martin Nuñez, namatay noon din ang biktima dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng MDTEU-VTIS ang kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.