Abante Tonite Interactive

Dalagita ni-rape slay ng stepdad

0 448

Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 14-anyos na dalagita nang patayin ito matapos halayin ng kanyang stepfather sa isang magubat na lugar sa Lucena City.

Kinilala ng Lucena City police ang biktima na si Honeylyn Riego, grade 8 student ng Lucena City National High School.

Ang 25-anyos na suspek na si Elly Manlangit Cenerion, construction worker, tubong Naga City, ang siyang kinakasama ng ina ng biktima matapos maghiwalay ang mga magulang nito.

Sa inisyal na report ng Lucena City police, ayon sa mga kaanak, ang suspek pa umano ang kunwaring nakakita sa bangkay sa masukal na lugar sa Sityo Lake City, Brgy. Ibabang Dupay nang ‘di na umuwi ang biktima mula sa paaralan noong Huwebes nang hapon.

Sa isa aniyang ginawang papag sa loob ng sagingan natagpuan ang biktima na tadtad ng saksak. Pinalo din ito ng matigas na bagay sa ulo na siya nito agarang ikinamatay.

Narekober din ang mga gamit nito sa eskuwelahan ‘di kalayuan sa pinangyarihan ng krimen.

Nagduda ang mga kaanak kung paanong natukoy agad ng suspek ang kinaroroonan ng bangkay at nagpasama pa umano sa tatay nito sa pagtungo sa lugar.

Matapos ang masusing imbestigasyon ay inaresto noong Sabado ng mga tauhan ng Lucena PNP ang nasabing suspek na umamin naman sa krimen. (Ronilo Dagos)