Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita niluray ng 2 ‘akyat-bahay’

0 53

Halinhinang pinagsamantalahan ng dalawang hindi kilalang miyembro ng ‘akyat-bahay’ ang 16-anyos na kasambahay matapos na pagnakawan ang isang tahanan sa Brgy. Paltok, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ang biktimang napagnakawan ay nakilalang si Baby Evelyn Encinares, 56-anyos, house wife, at residente ng Brgy. Paltok habang nireyp naman ang kasambahay niyang itinago sa pangalang Raquel.

Sa report ng CIDU-QCPD, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-2:52 at alas-3:06 kahapon ng madaling-araw sa loob ng tahanan ng biktima.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/Cpl. Allan Cruz, nakita sa CCTV footage ang dalawang hindi pa nakilalang kawatan na sakay ng motosiklo at umakyat sa gate ng tahanan ng mga biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nang nasa loob na ng bahay ay mabilis na nilimas ng mga kawatan ang isang iPhone 8 na nagkakahalaga ng P20,000; isang iPhone 5 na P5,000 ang halaga; assorted jewelry na nagkakahalagang P30,000, at dalawang wrist watch na nagkakahalaga ng P13,000 sa silid ni Encinares.

Hindi pa nakuntento at umakyat pa sa ikalawang palapag ng bahay ang mga suspek at pumasok sa silid na tinutulugan ng kasambahay.

Dahil walang nakuhang mahalagang bagay sa silid ay ginahasa ng mga magnanakaw si Raquel bago tumakas.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang makilala ang nakatakas na mga salarin. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.