Abante Tonite Interactive

Dalagita nina Aga, Charlene namayagpag sa basketball

By
5,568

Proud parents sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales sa dalagita nilang anak na si Atasha.

Nag-post si Aga ng short video ng huling segundo ng basketball game ni Atasha.

Nagdi-dribble si Atasha para sa free throw para sa inaasahang one point upang makatabla ang team nila sa kalaban. At nagawang maipasok ng dalagita ang bola, dahilan para maging masaya ang senaryo sa loob ng basketball court.

“Free throw shot to tie the game! And she made it! And we won! Go Atasha!! Congrats to the BSM team! All heart these young ladies! What a game! @atashamuhlach_ #isac #britishschoolmanila #ubosangbosesko #ontothefinals!” post ni Aga.

Bukod sa pagiging varsity player, isa ring painter ang anak na ito nina Aga, Charlene. Sa mga naunang posting ni Aga ay ipinakita niya ang ilan sa mga sample painting ng kanyang anak.

Anyway, ang iba pa sa celebrity kids na nagi-excel sa sports ay sina Martina (anak ni Aiko Melendez), Cassy at Mavy (kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel).