Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita pinapak ni insan

0 78

ARESTADO ang 20-anyos na lalaki sa Bohol noong Biyernes dahil sa panggagahasa sa dalagita niyang pinsan tatlong taon na ang nakakaraan, ayon sa Philippine National Police.

Naaresto ang suspek sa Purok Sitio Lantay sa Barangay Lombog sa Guindulman, ng pinagsanib na puwersa ng PNP Anti-Kidnapping Group-Visayas, Guindulman Municipal Police Station (MPS), at Jagna MPS, ayon kay PNP chief Police General Debold Sinas.

Sinaksihan umano ito ni Barangay Chairman Ronald Morales.

Nahaharap sa limang kasong paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code for alleged rape ang salarin matapos nitong reypin ang noo’y 13-anyos na pinsan.

Walang bail na inirekomenda si Judge Samuel Amila Biliran, ng Regional Trial Court Branch 50 sa Loay, Bohol laban sa suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.