Abante Tonite Interactive

Dalagita pinulutan ng 3 kainuman sa Bocaue

By
2,511

Dalawang lalaki kabilang ang isang binatilyo ang nadakip habang nakatakas ang kanilang kasamahan makaraang halinhinang gahasain ang isang dalaga na kanilang kainuman sa kapistahan sa Barangay Biniang 1st, Bocaue, Bulacan noong Linggo nang hapon.

Ayon kay P/Senior Supt. Chito G. Bersaluna, acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na si John Moises Fernandez y Semilla, 18, binata, at isang alyas ‘Buboy’, 17-anyos, kapwa residente ng Barangay Biniang 1st, Bocaue habang tinutugis pa ang kanilang ikatlong kasama matapos reypin ang biktimang si Aida, 18-anyos.

Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente noong Hulyo 8 nang hapon habang nakikipag-inuman si Aida sa ilang kaibigan kasama ang tatlong suspek sa Barangay Biniang 1st, Bocaue.

Nalasing ito dahil sa dami ng nainom na alak kaya’t wala itong nagawa nang puwersahang pagsamantalahan ng mga suspek.

Dinala ang biktima sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office (BPCLO)-Malolos para sa medical examination habang nahaharap sa kasong kriminal ang mga suspek.