Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagita sinakmal ng aso sa Cebu

0 9

Sugatan ang isang 16-anyos na babae sa Oslob, Cebu matapos atakehin ng asong Rottweiler noong Martes.

Kinilala ang biktima na si Jeny Rose Gomilao, na nakuhanan pa ng video na inaatake ng aso na pagmamay-ari ng kanilang kapitbahay.

Nakawala umano ang aso at tumakbo sa may tabing-dagat sa Barangay Looc kung saan naroon ang biktima at namumulot ng shellfish.

Mabuti na lamang at may ilang rumesponde para tulungan si Gomilao. Gayunpaman, mga sugat sa leeg, braso, tuhod, likod at mga kamay ang tinamo niya.

Ang malungkot pa rito, P3,000 lang umano ang binigay ng may-ari ng aso na pampagamot.

Dagdag pa, nakagat din ng aso ang dalagita dalawang buwan na ang nakakaraan kaya hindi siya nabigyan ng turok na anti-rabies. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.