Abante Tonite Interactive

Dalagita tinangkang reypin, driver tinadyakan sa ari

1,359

Namilipit sa sobrang sakit na naramdaman ang isang tricycle driver nang tadyakan ito sa ari ng dalagitang tinangka nitong halayin sa Malabon City, Biyernes ng gabi.

Sapo-sapo pa ang kanyang harapan nang mahuli ng mga barangay tanod si Joel, 38, ng Brgy. Catmon.

Sa pahayag ni Arlene (‘di tunay na pangalan), 16, alas-otso ng gabi nang makipag-inuman ang suspek sa kanyang ama sa loob ng kanilang bakuran.
Nakahiga naman noon sa sofa ang dalagita at nanood ng TV hanggang sa makaidlip.

Ilang saglit lang ay nagpaalam na ang ama ng biktima na matutulog. Nagpaalam na rin si Joel na uuwi na ngunit pinuntahan muna nito ang natutulog na dalagita. Pagdaka’y hinimas ang mga hita nito na umabot sa dibdib at mukha.

Nang maalimpu­ngatan ang biktima ay bumungad ang mukha ng suspek na nakalilis na ang pantalon.

Dito na sinipa ni ­Arlene sa ari si Joel.

Nagising din ang mga kaanak ng dalagita na siyang tumawag ng barangay tanod at dinala sa presinto ang suspek. (Orlan Linde)