Abante Tonite Interactive

Dalagita unang biktima ng vaping

304

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isang 16-anyos na dalagita sa Vizayas ang ­kauna-unahang naging biktima ng sakit, na may ­kinalaman sa vaping o paggamit ng electronic cigarette sa bansa.

Ayon kay Health Secretary ­Francisco Duque III, nagsimula umanong ­gumamit ng vape ang ­dalagita nitong Marso, 2019.

Gayunman, wala nang anumang ­ibinigay na detalye si Duque sa ­naging sakit ng bata at maging ang ­pagkakilanlan nito.

Una nang nanawagan si Duque sa pag-ban ng mga electronic cigarette sa bansa at mapanganib umano sa ­kalusugan ang vaping.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni DOH Undersecretary Eric ­Domingo na kanilang susuportahan ang ­anumang batas na ihahain kaugnay sa pag-ban ng mga e-cigarette ­dahil nasisinghot din nila ang ­nakaka-adik na nicotine liquid. (Juliet de ­Loza-Cudia)