Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalagitang adik sa TikTok, nawawala

0 45

Pinaghahanap ngayon ng isang nanay ang dalagitang anak na naglayas matapos makagalitan dahil sa pagkaadik sa tiktok.

Dumulog sa himpilan ng pulisya sa Ibaan, Batangas ang nanay na si Rina, taga-Barangay Pangao dahil sa dalawang araw ng pagkawala ng anak na si Calyn, 16-anyos.

Ayon sa nanay, naglayas ang anak matapos silang magkasagutan noong Miyerkoles matapos tumigil sa pagpasok sa eskuwela [high school sa Batangas City] dahil sa pagkahumaling sa tiktok sa social media.

Alas-5:00 ng Miyerkoles ng hapon nang umalis ito matapos magpaalam sa mga kapatid na lalabas lamang. Hindi na ito nakauwi buhat noon.

Nangangamba ngayon ang ina sa posibleng masamang mangyari sa dalagita. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.