Abante Tonite Interactive

Dalagitang kolehiyala tinikman ng 43-anyos

424

Arestado ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMART) ang isang 43-anyos na sales agent dahil sa ginawang pangmomolestiya sa isang 15-anyos na eatudyante kamakalawa sa Tayuman, Maynila.

Kinilala ni Police Maj. Rizalino Ibay Jr. ang suspek na si Diofre Lara Sales.

Ang operasyon ay isinagawa matapos magreklamo ang magulang ng biktima kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

Ayon kay Ibay, sinabi ng biktimang si Eva, ang rape with consent ay naganap noong Setyembre 27 sa Victoria Court, Caloocan City.

Alas-dos ng hapon nang madakip si Sales sa follow-up operation matapos parahin ng mga pulis ang sinasakyan niyang orange na Nissan Navarra na may plate number OYN 99.

Si Sales ay sasampahan ng kasong paglabag sa Article 343 or Consented Abduction under the Revised Penal Code as well as violation of Republic Act No. 8353 o ng Anti-Rape Law.

Sa imbestigasyon, nalaman na may dalawa pang high school student ang namolestiya na ni Sales.

“Ayoko sa lahat ng kriminal. Sinabi ko na sa inyo, may gobyerno na ang Lungsod ng Maynila. Umalis na kayo dito,” banta ni Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)