Abante Tonite Interactive

Dalaw na dalaga nagbitbit ng shabu sa selda

137

Hindi na nakalabas ng Manila Police District-Police Station 11 ang isang 34-anyos na dalaga matapos mahulihan ng shabu sa kanyang ‘coin purse’ habang dumadalaw sa isang inmate kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 11 ng R.A 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na si Janet Tambong y Barbero alyas ‘Nineng’, dalaga, taga-565 Valderama St., Binondo.

Ayon kay Police Lt. Roderick Tan, ng Manila Police District-Binondo Police Station 11, alas-siyete ng gabi nang dumalaw si Tambong sa isang inmate sa nasabing himpilan ng pulisya.

Kinapkapan umano ang suspek bilang standard operating procedure (SOP) at dito nakita sa kanyang coin purse ang isang sachet ng shabu.

Nakadetine ngayon sa MPD-PS11 ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)