Abante Tonite Interactive

Dalaw sa MCJ hinigpitan

By
15

Naghigpit ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJM) sa pagpapasok ng mga dalaw sa Manila City Jail (MCJ) kasunod ng isinagawang noise barrage para hilingin ang pagpapatalsik sa kanilang warden na si JSupt. Gerald Bantag.

Nabatid na nagpalipas ng magdamag sa labas ng MCJ ang dalaw ng mga preso na umaasang nasa ligtas na kalagayan ang kanilang mga mahal sa buhay dahil sa naganap na kaguluhan kung saan 35 preso at apat na miyembro ng BJMP ang nasugatan.

Nalaman na inilipat sa Bicutan Taguig ang may 26 na miyembro ng Batang City Jail (BCJ) na nagpasimuno ng pag-iingay at kaguluhan sa hanay ng mga BCJ at mga jail guard.

Samantala, sinabi ni Bantag na tuloy pa rin ang programang paghihiwalay ng mga presong may kasong iligal na droga na pagsasama-samahin sa isang dorm para sumailalim sa training, spiritual enhancement programs at iba pa sa kabila ng naganap na noise barrage.