Abante Tonite Interactive

Dalawa ang birth certificate

290

Dear Atty. Claire,
May itatanong lang po sana ako at sana po mabigyan niyo po ako ng sagot. Paano po kapag dalawang birth certificate ang gamit simula nag-aaral hanggang ngayon pero ang totoo po talaga ay ‘yung una pero hindi po ginagamit?

Tanong ko po pwede po ba gamitin ‘yung unang birth certificate at papalitan na lahat ang mga ID at susundin ‘yung unang birth certificate?
Sana po masagot niyo po ako Atty.
Salamat po,
Jovelyn

Ms. Jovelyn,
Sa ngayon nasa data na ng PSA at lahat ay computerized kaya makikita na lahat ng mga dokumento kung mayroong doble-dobleng birth certi­ficate ang isang tao.

Sa katulad ng nangyari sa iyo ay napagawan ka ng dalawang birth certificate dahil malamang ay may isang nakialam sa record mo o kaya naman ay nagda­lawang-isip sa pangalang ibibigay sa iyo kaya naisip na gawan ka ng pa­ngalawang birth certi­ficate sa pag-aakalang ayos lang ito at hindi naman mapapansin.

Ngunit dahil nga sa makabagong sistema ay nakita na da­lawa ang birth certificate mo at sa kalaunan ay ‘yang pangalawang birth certificate mo ay tuluyang hindi mo na magagamit ang pa­ngalawang birth certificate mo. Sa ngayon ang dapat mong gawin ay mag-file ng Petition to Cancel the Se­cond Birth Certificate and Amend the Errors in the First Birth Certificate.

Kung ang mali lamang sa first certificate ay ibang name ang ginamit mo ay maaayos ito sa pamamagitan ng pagsampa ng Petition for Change of Name sa local civil registrar ngunit ipapa-cancel mo pa rin ang 2nd birth certi­ficate mo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 4107624 o 9220245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.