Abante Tonite Interactive

Dalawa ang birth certificate

444

Dear Atty. Claire:

May itatanong lang po sana ako sana po mabigyan ninyo po ako ng sagot. Paano po kapag dalawang birth certificate tapos ang gamit simula nag-aaral hanggang ngayon ay `yung pangalawang birth certificate pero ang totoo po talaga ay `yung una pero hindi po ginagamit. Tanong ko po ay puwede po ba gamitin `yung unang birth certificate at papalitan na lahat ang mga ID at susundin `yung unang birth certificate? Sana po masagot niyo po ako Atty.
Salamat po,

Jovelyn

Ms. Jovelyn,
Sa ngayon nasa data na ng PSA at lahat ay computerized at makikita na lahat ang mga dokumento kung mayroon doble-dobleng birth certificate ang isang tao.

Sa katulad ng nangyari sa iyo ay napagawan ka ng dalawang birth certificate dahil malamang ay may isang nakialam sa record mo o kaya naman ay nagdalawang-isip sa pangalang ibibigay sa iyo kaya naisip na gawan ka ng pangalawang birth certificate sa pag-aakalang ayos lang ito at hindi naman mapapansin.

Ngunit dahil nga sa makabagong sistema ay nakita na dalawa ang birth certificate mo at sa kalaunan ay ‘yang pangalawang birth certificate mo ay tuluyang hindi mo na magagamit.

Sa ngayon ang dapat mong gawin ay mag-file ng petition to cancel the second birth certificate and amend the errors in the first birth certificate. Kung ang mali lamang sa first birth certificate ay ibang name ang gi­namit mo ay maaayos ito sa pamamagitan ng pagsampa ng petition for change of name sa local civil registrar ngunit ipapa-cancel mo pa rin ang pangalawang birth certificate mo.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 514-2143 o 410-7624 o 9220-245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.