Abante Tonite Interactive

Dalawang aktor sabog sa taping

By
1,517

Sino ang mas BI sa dalawang bff actors? Ang lakas umanong magdroga.

Kabago-bagong artista ay attitude agad. Laging late sa taping. At ayaw niyang may pinababasa na kung anong dagdag na script o instruction na dagdag sa pinadala/napag-aralan niyang script.

Nagmamatigas sa set at kung angilan ang production staff ay ganu’n na lang.

Abante Hiring – IT dep

Animo produ o director?!

Sumpa, hindi na muli kukunin, sabi ng network.

Malayo pa ba siya sa ugali ng bff niyang naabot na ang rurok ng tagumpay pero mega-attitude din sa taping set ng huling soap.

To-the-max ang sakit sa ulo na ibinigay sa director at production staff.

Kaya hanggang nga­yon, todo-tanggi ang mga produ sa network na hawakan ang next project nila.

Ayaw nilang ma-stroke o atakehin sa puso during tapings. Sabog kasi ang mga ito sa tapin­g.

Ganu’n sila ka-notorious.

Ang hilig kasi nila ihalo ang amats ng party pills at #alakpamore. Chill lang dahil hindi na hectic ang schedule.

Panay party magdamag sa lovenest.

May forever ang saya ng sex at uppers! ‘Yan ang motto nila.