Abante Tonite Interactive

Dalawang beses nanaginip ng ahas

362

Dear Dreamcatcher,
Dalawang beses po akong nanaginip ng ahas. Magkapareho ang kulay ng ahas—dilaw at itim. Noong una kong panaginip ay nasa loob ng bahay ang ahas at nang sumunod akong managinip ay nasa harapan ko na ang ahas.

Malaki daw po. Hinila daw ng kapatid ko yung ahas at pinagpupukpok sa ulo pero nakawala pa rin ang ahas. Ano po ang ibig sabihin ng mga pa­naginip ko?
Julie S.

Ang ahas sa panaginip ay maraming simbolo tulad ng takot, renewal, pagkabalisa, talino at kaalaman, sekswalidad at paghahangad o pagnanasa.

Abante Hiring – IT dep

Sa mga simbolismong ito, saan ka higit na nakaka-relate? May takot ka bang nararamdaman sa aktuwal na buhay. Takot sa isang commitment o pa­ngamba sa isang mahirap na sitwasyon. Kung ganito ang nara­ramdaman mo, ang ahas na da­lawang beses mo nang napapanaginip ay paalala na dapat mong harapin ang iyong takot.

Ang ahas ay maari ring representasyon ng isang kinakaharap mong pagbabago. Kung meron kang mahirap na pinagdaraanan, ang ahas ay paalala ng iyong subconscious.

Kung nakakaramdam ka naman ng stress, pagkalungkot o galit ay posibleng ito ang naging dahilan kaya dalawang beses ka nang nananaginip ng ahas.

Kung meron ka ring pinagdaraanang isyu sa iyong sekswalidad o kaya’y may pagnanasang hindi mailabas dahil maaaring pinipigilan mo ang emosyong ito dahil may masasaktan o dahil bawal. Sa ganitong sitwasyon, maaaring ang sinisimbolo ng ahas ay ang tuksong pilit mong nilalabanan.

Related Posts

Ayon naman sa mga makalumang paniniwala, ang ahas ay simbolo rin ng mataas na kaalaman lalo na kung ang ahas ay kulay dilaw.

Itinuturing na suwerte at positibo ang ahas na dilaw. Pero sa iyong panaginip ay may kumbinasyon itong itim at ang kulay na ito ay kadalasang binibigyan ng negatibong representasyon.

Sa ganitong pagkakataon, kailangang magkaroon ka ng balanse at tamang kontrol.

Ang bahagi naman ng iyong panaginip kung saan pinagpupukpok ng iyong kapatid ang ahas pero nakawala pa rin ay nagpapakita na nakakaramdam ka ng takot at meron kang pilit na nilalabanan.

Gamitin ang mga simbolismong ito at ikonek sa iyong aktuwal na buhay at sitwasyon para makabuo ng pinakamalapit na interpretasyon ng iyong panaginip.
Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip.

Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.