Abante Tonite Interactive

Dalawang birth certificate

By
686

Dear Atty. Claire,

Tanong ko lang po, kasi nu’ng buntis palang ‘yung ka live-in partner ko ay nagkahiwalay na kami at nagkaroon siya ng ibang kinakasama.­ Then nu’ng nanganak siya ay ginamit niya ‘yung apelyido ng bago niyang kinakasama sa bata. Then after few months naghiwalay din sila nu’ng kinakasama niya at nag-usap kami na ili­pat sa apelyido ko ‘yung bata which is nangyari nga. Hawak ko ngayon ‘yung ori­ginal na live birth ng bata.

Pero ‘di nagtagal nagkaproblema na naman kami nu’ng nanay. After 2 yrs nagkausap ulit kami at sinabi niya na ‘yung pangalan at apelyido­ na gamit ng bata ay du’n sa dati niyang kinakasama. Sabi ko eh hindi ba pinalitan na natin ‘yun at hawak ko ang live birth ng bata. Sabi niya hindi ‘yung original ang sinunod niya. Ngayon­ po paano ko malala­man kung totoong ‘yung original na pa­ngalan at apelyido ng bata ang nakarehistro sa nso o ‘yung sa akin po.

Maraming salamat.

Clint

***

Mr. Clint,

Kung nakapangalan na ang bata sa apelyido ng lalaki na pinala­bas ng ka live mo na siyang tatay ng bata ay hindi na matatanggal o mababago ito maliban kung dadaan sa korte na siyang magdedesisyon kung dapat mapalitan ang apelyido ng bata.

Sa aking palagay­ ay ginawan ng paraan­ ng ka-live in mo sa pamamagitan ng late registration at binago­ niya ang details tungkol sa anak ninyo kaya nagkaroon ka ng bagong copy ng live birth certificate na gamit ng bata ang apel­yido.

Ngayon ay maaari kang pumunta sa ang Philippine Statistics Office at humi­ngi ka ng copy ng ­unang birth certificate ng anak mo at ang pa­ngalawang birth certificate para malaman mo kung parehong exis­ting sa records ng PSA dahil kung parehong nasa records ay lumalabas na may 2 birth certificate ang anak mo. ‘Pag nagkaganu’n ay dapat mapa-cancel­ mo sa korte ang isa. Kadalasan ay ang pangalawang­ birth certificate ang napapawalang saysay at ang unang birth certi­ficate ay dapat lamang na maayos o ma-correct ayon sa tunay na facts o details tulad ng tunay na pangalan ng tatay, ngunit ito ay sa korte dedesisyunan.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.