Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dalawang grupo ng rebelde, nagkasagupa

0 77

NAGKASAGUPA ang grupo ng dalawang rebelde sa Maguindanao, ayon sa report ng Philippine Army.

Ayon sa report, nagkasagupa ang grupo nina Salik Kiko at Ben Tikaw. Nangyari ito sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano.,

“According to the report, Salik Kiko is a delisted member of the 118th Base Command of the MILF while Ben Tikaw is a member of the 105th Base Command,” sinabi ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., WestMinCom Commander.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We are still waiting for the results of the investigation as to why these two groups clashed,” dagdag ni Vinluan.

Ang nangyaring engkuwentro ay tumagal ng anim na oras at nagresulta sa pagkamatay ng isang nagngangalang Alimudin, na miyembro ng grupo ni Kiko.

Tatlong miyembro naman nila ang sugatan habang may mga nasugatan din sa kanilang kalaban. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.