Abante Tonite Interactive

Dalawang mukha ni Phil Hellmuth

By
102

Isa si Phil Hellmuth sa mga makukulay na personalidad sa mundo ng poker.

Nagwagi siya sa Main Event ng World Series of Poker (WSOP) noong 1989 at sa Main Event ng World Series of Poker Europe (WSOPE) noong 2012.

Nitong nakaraang WSOP sa Las Vegas ay napagwagian niya ang record-extending 15th bracelet. Siya pa lang ang nanalo ng mahigit 10 bracelets sa kasaysayan ng WSOP.

Sa kabilang banda, nakilala si Hellmuth bilang ‘Poker Brat’ dahil sa kanyang mga antics sa laro. Lagi siyang maingay sa lamesa, sinasabi ang hawak niyang baraha kahit na maraming kasali sa pot at madalas na ‘­acting out of turn’.

Nitong nakaraang Main Event ng WSOP ay naging isyu ulit ang antics ni Hellmuth. May isang pot kasi na tatlo silang magkakalaban – Alex Kuzmin, Hellmuth at James Campbell. Pagkatapos ng flop ay tumulak na si Campbell dahil meron siyang flush draw sa hawak na A-9 diamond.

Next to act si Kuzmin pero bago pa siya makapagdesisyon ay pumutak na si Hellmuth at para na ring sinabi natutupi siya.

Diamond na K-2 ang hawak ni Kuzmin at dahil alam niya na tutupi si Hellmuth ay kinasahan nito si Campbell. Walang diamond na lumabas at tinamaan ni Kuzmin ang dos sa turn kaya siya pa ang nanalo.

Maraming pumuna sa ginawa ni Hellmuth dahil kung hindi niya lantarang ipinakita na tutupi siya ay malaki ang posibilidad na tutupi si Kuzmin at buhay pa sana ang kampanya ni Campbell.

Inamin naman ni Hellmuth ang pagkakamali at nag-offer na ililibre niya sa Main Event ($10,000 buy-in) sa susunod na taon si Campbell.

Tinanggap naman ni Campbell ang paumanhin ni Hellmuth, pati na rin ang libreng entry sa susunod na WSOP Main Event.