Abante Tonite Interactive

Dalawang Pinoy nawawala sa Thailand

289

Nawawala ang dalawang Pilipino na pinaniniwalaang tinangay ng ma­lakas na alon sa kasagsagan ng masamang panahon, kamakalawa sa Freedom Beach sa Phuket, Thailand.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), base sa ulat ng Royal Thai Police at grupo ng mga Filipino tou­rist sa Phuket na ipinaalam na sa Philippine Embassy sa Bangkok ang insidente.

“The two Filipinos were reportedly at the beach playing in the sea during a heavy storm, when they were swept away and have not been seen since then,” ayon sa DFA

Masusi naman minomonitor ng DFA ang isinasagawang rescueope­ration sa kaso ng dalawang Pilipino.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DFA sa mga awtoridad sa Thailand at tinutugunan na rin ang panga­ngailangan ng pamilya at mga kaibigan ng mga biktima. (Juliet de Loza-Cudia)