Abante Tonite Interactive

Dalawang puting lion cub nailigtas

0 157

Tinanggap ng isang animal sanctuary sa France ang dalawang rare na lion cub.

Pinanganak ang mga ito noong katapusan ng Hulyo at pinagalanganang bilang Nala at Simba, inspirado galing sa pelikulang ‘The Lion King’.

Naligtas ang mga magulang ng mga leon ng isang sirko, pagkatapos sila ay dinala sa Caresse de Tigre, isang conversation charity.

Ayon sa lokal na media, ang santuaryo ay isang 740 ektarya na malapit sa lungsod ng La Mailleraye-sur-Seine sa Northeastern France.

Ayon sa International Union for Conservation of Nature’s Red List, kinokonsiderang ‘extremely endagered sub-species’ ang mga puting leon, 11 na lamang ang natirang ganito na gala noong 2018.

Ipinapahiwatig ng mga ulat na may halos 300 sa iba’t ibang parte ng mundo.

Ayon sa may-ari ng santuaryo na si Klimond Brigitte, ang mga leon ay mabubuhay sa kanila nang ilang sandali at pagkatapos ay magkakahiwalay sa kanilang mga paraan.

Dadalhin si Nala sa isang wildlife park sa England, habang mananatili si Simba sa Pransya upang dalhin sa isa pang animal sanctuary.

Dagdag ni Brigitte gaano kahirap dalhin ang mga magulang ni Nala at Simba sa kanilang charity, “The owners of the two lions wanted to sell them to a circus. We had to raise five thousand euros to pay for them, and now they belong to us,” she told a local newspaper.”