Abante Tonite Interactive

Dale Earnhardt nakaligtas sa plane crash

389

Himalang nakaligtas sa plane crash ang sikat na American race car driver na si Dale Earnhardt Jr. Kasama niya ang asawang si Amy at 1-taong gulang nilang anak na si Isla.

Kinumpirma ng kapatid na babae ni Dale na kasama ang mag-iina at ang dalawang piloto sa aksidente.

Nagpagulong-gulong umano ang eroplano patungo sa dulo ng runway. Naganap ang aksidente sa Elizabethton Municipal Airport sa Carter country.

Ayon sa source ng TMZ, nakalabas na raw umano sa ospital ang mag-iina at inaasahan na magiging maayos ang kalagayan mula sa trauma na naranasan sa crash.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng National Transportation Safety Board ang sanhi ng aksidente. (Ronaline Avecilla)