Abante Tonite Interactive

Daliri ni Liza ‘di na mapakinabangan

496

Dumagsa ang mga words of concern and get-well-soon messages kay Liza Soberano mula sa mga netizen. Pati na rin sa mga kapwa artista matapos siyang mag-post sa Instagram ng mga larawan ng kanyang injured finger na kagagaling lang na naman sa isang ope-rasyon sa US.

Sa isang larawan ay makikita ang kanyang daliri na may mga stitches at sa isang photo naman ay makikita na nakabukas ang daliri at may nakapasok na tila bakal.

Sa caption ay sinabi ni Liza na hindi na raw maibabalik pa sa dati ang kanyang daliri.

“Caution graphic content. Finally done with my last procedure in hopes of fixing my finger. Unfortunately it will never function the same way again but atleast its there! Sorry for sharing such gruesome photos,” ang kabuuan ng caption ni Liza.

Isa sa nag-comment si Derek Ramsay na naka-relate sa pinagdadaanan ni Liza dahil matatandaang dati siyang nagkaroon ng knee injury naman dahil sa paglalaro ng frisbee.

“I went through something similar. Make sure you do your rehab ang stay positive,” ang comment/advice ni Derek.

Dasal naman ang ibinigay ni Amy Austria para sa young actress.

“In Jesus name I pray it will function normally. Nothing is impossible with God,” komento ni Amy.

Nagpahayag din ng kani-kanilang pagmamahal and prayers sina Moira, Matteo Guidicelli, Izza Calzado, KC Concepcion, Darren Espanto, Isabelle Daza, Rayver Cruz, Elisse Joson, Awra Briguela, direk Antoinette Jadaone, Michelle Vito, direk Theodore Boborol, Sunshine Cruz, Teejay Marquez, Christine Babao, direk Mae Cruz-Alviar, Ria Atayde at marami pang iba.

Ayon kay Liza sa Live Instagram video update niya matapos ang kanyang huling surgery sa Los Angeles, miss na miss na niya ang Pinas at ang kanyang trabaho. Excited na raw siyang simulan ang mga naka-line-up na projects nila ng boyfriend at ka-loveteam na si Enrique Gil na kasama niyang nasa US ngayon.

Nasa recovery period na raw siya and hopefully within this month ay ma-kabalik na sila ng bansa or kung hindi man, sana raw ay sa first week of August.

Sheena Halili ikakasal sa Pebrero

Dahil sa February next year na ang kasal ni Sheena Halili sa non-showbiz fiancee niyang si Jeron Manzanero, puspusan na ang preparasyon na ginagawa ng future man and wife ngayon.

Nag-post si Sheena ng kanyang nararamdaman ngayong papalapit na nang papalapit ang big event at aminado siyang kinakabahan siya.

Ibinahagi rin niya ang mga hirap niya sa preparations na normal na pinagdadaanan ng mga ikinakasal dahil hindi naman talaga biro ang paghahanda para sa kasal.

“Malapit na! Malapit na nga ba? Sa ibang tao matagal pa at nakakainip na pero ako nananaginip na sa kaba.

“Ilang buwan pa naman! Hala! Ilang buwan nalang?
“May mga gabi at oras na naiisip ko may kulang pa ba? Tama ba? Okay lang ba? Kasya ba? Kaya ba? Ano paba? Papayag ba siya? Pumayag ba? Magkano ba? At kung ano-ano pang ba?

“Ah basta! Ako, ikakasal na! Wala na! Forever na! Akin kana @jemanzanero!BWAHAHA!
“Sorry! Next time ko na post ung teaser. Maaga pa pala,” ang post ng Kapuso actress.

Nagpahayag naman ng kanilang pagbati at mga payo ang kanyang mga kapwa-artista.

“Enjoy the whole process, sis! Soooo happy and excited for you! You deserve all the love!” komento ni Maybelyn dela Cruz.

Reaksyon naman ni Carla Abellana, “Aww… Wedding planning stress. Kaya mo yan!”

Nag-congrats naman sa kanya ang ka-batch sa Starstruck 1 na si Katrina Halili.

Pero siyempre, pinakamagandang comment ay galing sa kanyang fiancee. Aniya, “Love you bebthhhhhhhhhhhh.”

Samantala, kahit nai-stress sa wedding preps ay nagagawa pa rin niyang pagsabayin ang trabaho at paghahanda sa kasal. Kasalukuyan siyang napapanood sa Love You Two kasama sina Jennylyn Mercado, Shaira Diaz and Gabby Concepcion.