Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daloy ng dugo

0 74

Sa panahon ng patuloy na nasa GCQ ang karamihang lugar, may mga estabisyemento na nagbukas na at tumatanggap ng mga customers o kliyente. Mapapansin natin sa mga lugar katulad ng mga tindahan, restaurants, malls, na kahit gaano kaliit o kalaki ang lugar ay may isang daloy ang mga tao. May isang pasukan at isang ibang labasan. Ito ay ginagawa para mabawasan ang contact ng mga tao upang maiwsan mahawa ng Covid19. Ito ang ehemplong ikukumpara ko sa pagdaloy ng dugo sa ating katawan.

Magmula sa puso, tuloy tuloy ang pagbomba nito ng dugo. Ito ay dahil sa ang puso natin ay binubuo ng mga involuntary cardiac muscles. Hindi katulad ng ordinaryong muscle na voluntary, ibig sabihin kung hindi natin nanaisin gumalaw ay hindi tayo gagalaw. Ang puso ay kakaiba dahil sa ayaw natin o sa gusto, walang tigil ang pagpintig nito, at walang tigil din ang daloy ng dugo. Mula sa buong katawan natin, bumabalik ang dugo sa puso sa pamamagitan ng pagdaan sa superior at inferior vena cava.

Ang puso ay nahahati sa apat na kamara. Dalawang atrium sa taas at dalawang ventricles sa baba. Ang mga humihiwalay sa mga ito ay mga balbula. Ang unang napupuntahan ng dugo ay ang kanang atrium at bumababa sa kanang ventricle. Dahil sa halos walang oxygen ang dugo nasa dalawang kamara na ito, tumutuloy ang dugo sa baga sa pamamamagitan ng pulmonary artery para malagyan ito ng oxygen at matanggal ang carbon dioxide. Pagkatapos nito, pupunta sa kaliwang atrium ang dugo, bababa sa kaliwang ventricle para dumaan sa aorta na syang pinakamalaking ugat natin na maghahatid ng dugo sa iba’t ibang parte ng katawan natin hanggang sa kalingkingan ng mag daliri natin para mabigyan ng mahalagang oxygen. Nangyayari ito sa mag capillaries at pagkatapos tutuloy sa mga veins hanggang umulit ulit ang proseso. Ang mapapansin natin ay one way lang ito at hindi maaaring bumaliktad dahil sa magkakaroon ng mga kumplikasyon.

Isa dito ay kung sa puso mismo ay may anomalya, katulad ng butas sa dalawang atria. Mapupunta sa kaliwa ang dugo ng hindi dumadaan ng baga. Wala itong oxygen kaya walang aabot sa katawan kaya maaaring mahirapan sa pagkilos at paggalaw, magkaroon ang depormidad ang mga daliri sa paglaki ng mga dulo nito (tinatawag na clubbing of fingers), o mangasul dahil nga saw ala nang nakukuhang oxygen. Ito ang dahilan sa tinatawag na blue babies. Ang pangalawa aykung may depekto o mahina ang mga balbula, maaaring kulang ang dugo na dumaloy, kaya kahit na oxygenated na ang dugo ay manghihina pa din ang katawan. Ang isa pa ay sa mga ugat na veins na pabalik sa puso. May mag balbula din ito, kung masira at hindi na gumana ang mag ito, mamumuo ang dugo at hindi rin makakadaloy ng mabuti. Varicose veins ang tawag dito. Maaaring gamutin kung hindi malala ang sintomas, ngunit sa ibang pagkakataon, mangangailangan ng operahan.

May dahilan ang isang daloy lang ang dugo, kung may ibang nararamdaman ay maaaring hindi na nangyayari ito. Magpatingin na.

Hanggang sa susunod ! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.