Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Damay si KC: Sharon bad trip sa ASAP

0 323

NI: VINIA VIVAR

Itinanggi ni Sharon Cuneta ang balita na mapapanood siya sa ASAP Natin ‘To ngayong Sunday, Jan. 24 na eere na sa TV5.

Sa isang Instagram post kahapon, sinabi ni Sharon na hindi rin niya alam kung bakit kumakalat sa social media na guest siya sa ASAP this Sunday in celebration of her birthday last January 6 gayung hindi naman daw siya umoo.

“Wala po ako sa A.S.A.P. sa Sunday! I don’t know why lumalabas sa social media na guest po ako sa A.S.A.P. this Sunday when di naman po ako nag-‘Yes’ sa pag-guest at di ko alam pang-birthday ko pala dapat yun, kasi patapos na ang buwan, at dahil may work po ako that day at yun lang po ang gusto kong gawin,” paglilinaw ni Megastar.

Hindi rin nagustuhan ni Sharon na nadadamay pa si KC Concepcion dahil natatanong kung dadalo ba ito since last year ay naging issue ang hindi pagdalo ng panganay niyang anak sa birthday tribute sa kanya sa ASAP.

“Ayoko din yung nadadamay pa pati si KC na lalabas ba siya o kung anuman. Para tuloy di mo alam kung celebration ba dapat o para kayong pinaglalaruan mag-ina?” aniya.

“I love my A.S.A.P. family (I love MR. M MOST OF ALL. Pero NAWALA NA SIYA DOON.),” dagdag pa niya.

Aminado si Mega na naka-upset sa kanya ang maling balitang ito dahil alam niyang pagmumulan na naman ito ng issue.

“But this is upsetting. Kasi pag di ako lumabas, eh di ako pa po ang lalabas na masama? Nananahimik po ang buhay ko,” ani Shawie.

“The stars of ASAP having nothing to do with this. I am sure the staff meant well by asking me to guest. Unfortunately, this is still unfair to me,” pagtatapos ni Sharon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.