Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dambuhalang kamay ni Leonard trending

0 72

Bagay ang bansag na ‘The Klaw’ kay Los Angeles Clippers superstar Kawhi Leonard.

Ito’y matapos mag-trending ang two-time National Basketball Association (NBA) champion hindi dahil sa kanyang magandang performance kontra Chicago Bulls sa 75th league 2020-21 regular season game nitong Linggo, kundi dahil sa dambuhala niyang kamay.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sa tweet ng Clippers official account, pinakita ang pagdakot ni Leonard ng dalawang water bottle nang walang kahirap-hirap.

Maraming netizen ang bumilib dito, kaya’t nakakuha agad ng 6,500 likes ang naturang tweet.

Sa nasabing laban, nakaungos ang Clippers kontra Bulls, 130-127, kung saan kumamada si Kawhi ng 35 points, four assists at three steals. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.