Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dan ‘di lider ng mga papalit sa Dos

0 620

NI: ROLDAN CASTRO

Dinenay ni Congressman Dan Fernandez ang tsismis na siya ang pasimuno sa workers union para mag-take over ng ABS-CBN 2.

Paglilinaw niya sa text-tsika, “Walang ganun Roldan. We encourage the workers to put up a cooperative and petition the government na maging parte sila sa pagpapatakbo ng ABS-CBN if ever na hindi mapatunayan ng mga Lopez na kanila ang lupa na kinatitirikan ng ABS dahil ‘till now no title were presented sa Congress about sa ownership.

“Hindi takeover ng workers kundi helping them have an organizational structure na syang magiging giya nila sa pagpapatakbo ng ABS but this is of course kung sila mismo ang kooperatiba ang hihingi ng bagong franchise sa Congress,” lahad pa niya.

Clear!

Leave A Reply

Your email address will not be published.