Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dan, Yul, Alfred, Precious binugbog

0 1,600

Ikinagulat at ikinalungkot ng mga taga-Kapamilya at taga-industriya ang pagboto ng “yes to denial of ABS-CBN franchise” ng mga kongresistang galing din sa showbiz tulad nina Rep. Yul Servo, Rep. Dan Fernandez at Rep. Precious Hipolito.

Nadamay din si Rep. Alfred Vargas who inhibited himself for voting citing “conflict of interest” and “propriety” as the reasons.

Hindi lang ang mga Kapamilya ang kumukuwestiyon sa kanilang mga boto kungdi pari na rin ang mga netizen na pabor na mabigyan ng bagong prangkisa ang network.

Needless to say, katakot-takot na pangba-bash ngayon ang nararanasan ng mga nabanggit na actors turned politician. Bugbog-sarado sila ngayon sa taumbayan na galit na galit sa kinalabasan ng botohan. Actually, mas malala ang galit ng tao sa kanila simply because dati silang artista.

Pahayag ng isang entertainment writer sa abroad sa Facebook page na Pinoy Entertainment Newsmakers (PEN), “yes sina Cong Dan Fernandez at Cong Yul Servo for no renewal ng ABS-CBN Franchise kahit dati silang taga Showbiz. Kasama sila sa 70 Congressman na pinatay ang ABS-CBN Para mag broadcast pa. Cong Alfred Vargas nag-Inhibit naman for delicadeza.”

Ang production manager naman ng ABS-CBN na si Annaliza Goma ay nag-post ng kanyang sama ng loob kay Cong. Dan na aniya ay matagal niyang nakasama.

“Bakit, Dan??? Ang tagal ng pinagsamahan natin sa kapamilya network na nagbigay ng tiwala at trabaho sayo. Ano ang nangyari sayo, bakit ka nagpalamon sa sistema? Magkababayan pa man din tayo sa Laguna! Sa lahat ng mga kamag-anak ko sa Pagsanjan, sa Magdalena sa Bubuy at sa buong parte ng Laguna, alam nyo na po,” ang post ni Annaliza.

Matatandaang isa si Cong Dan sa cast ng classic hit teleserye ng ABS-CBN na Mara Clara.

May nabasa nga rin kaming komento sa social media na ang tagal nga raw naitago ni Dan ang diary sa Mara Clara.

Maging si direk Jeffrey Jeturian ay nag-post ng larawan ng tatlong aktor at sa caption, he wrote, “ang ganda ng mga ngiti nila. NGITING ASO.”

Pero may mga dumedepensa rin naman para sa mga nasabing aktor lalo na nga si Cong. Yul na halatang mahal na mahal ng kanyang nasasakupan dahil na rin sa rami ng kanyang nagawa sa kanyang distrito sa Maynila.

“Daming mga basher ni Congressman Yul Servo Nieto…. Wag kayo tumingin sa pagboto nya ng YES sa ABS CBN… Pero isipin nyo taga Maynila!!

“Isang simpleng Congressman Yul Servo Nieto ang naglalakad sa kalsada binabati ang mga nasasakupan nya, hindi nakakalimot sa pinanggalingan nya at taus pusong naglilikod sa mamamayan ng manila.. sa dami ng natulungan ni Congressman Yul icompare nyo sa mga dating Congressman pag meron nasa hospital o namatayan tumataginting na 300 pesos ang natatanggap nyo..

“Pero si Congressman Yul kapag meron ka hika binibigyan kapa ng nebulizer, tumutulong sya sa mga nangangailangan ng wala pagdadalawang isip,hindi lang bulaklak ang kanyang pinapadala kundi personal pa sya nagpupunta sa burol para ipaabot ang kanyang taus pusong pakikiramay at konting tulong….

“Di gaya ng dating congressman bulaklak lang pinadadala.. sobrang down to earth ni Congressman Yul at tapat sa tungkulin..

“Kung dahil sa pagboto nya sa abs cbn ng yes ehh babalewalain nyo ang magandang ginawa nya abay napaka perpekto nyo… Sana inisip nyo lahat ng magandang ginawa nya sa lungsod ng maynila…..” pagtatanggol kay Yul ng kanyang supporter.

To the rescue rin ang manager ni Cong. Alfred na si Lolit Solis sa kanyang alaga at aniya, saludo raw siya sa aktor/politiko na pinili na lang huwag bumoto dahil naglalaban ang puso at utak nito.

“I salute Alfred Vargas, Salve. Dahil sa conflict of interest nag inhibit siya sa pagboto sa Yes/No sa renewal ng franchise ng ABS CBN. Dahil isa siyang artista na binigyan ng career ng istasyon, ang buong puso niya ay nasa kapakanan ng Chanel 2, pero dahil isa siyang Congressman na representative ng mga tao sa distrito niya , nakita rin niya ang mga puntos na nasilip ng 70 bomoto sa Yes.

“Naglaban ang puso at utak ni Cong Alfred Vargas, matagal niyang ipinagdasal ang guidance para sa tamang desisyon , in the end he decided na maging neutral, gumitna , walang panigan , let destiny take it course.

“Sa dulo nito, malalaman din natin ang tama o mali, sa una magiging emotional tayo, pero sa huli , iyon tama pa rin ang mananaig.

“I salute you Alfred Vargas, you stick to your stand, hindi ka na pressure ng kahit ano at ng kung sino,” ang post ni Manay Lolit.

Samantala, kung bina-bash ngayon sina Yul, Dan, Alfred at Precious, sobrang puri naman ang natatangap ngayon ni Cong. Vilma Santos na bumoto ng “no to franchise denial” gayundin ang dalawa pang congressmen na connected din sa showbiz industry na sina Rep. Christopher de Vencia at Rep. Edward Maceda. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.