Abante Tonite Interactive

Danao jail officer patay sa ambush

By
10

Patay ang isang jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Danao City, Northern Cebu, matapos tambangan ng ‘di nakila­lang gunman habang lulan ng motorsiklo kahapon ng umaga.

Nasawi on-the-spot sanhi ng tinamong dalawang­ tama ng punglo sa ulo, dalawa sa dibdib at tatlo sa braso ang biktimang si JO2 Celso Montalba.

Napag-alaman kay PO3 Roselo Campo, may hawak ng kaso, dakong alas-7:30 ng umaga nang tambangan ang biktima sa Barangay Guinsay, Danao matapos ihatid sa paaralan ang anak at papunta na sana sa duty nang pagbabarilin ng salaring naka-bonnet at lulan din ng motorsiklo.

Isang karton na may nakasulat na “BJMP na pusher ‘wag sundan ikaw sunod,” sa bangkay ng biktima bukod sa 10.3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P121,540 sa kaliwang bulsa ng pantalon ng biktima.