Abante Tonite Interactive

Daniel bangungot kay Vickie

614

Trending topic sa social media ang pagkatalo ng Bb. Pilipinas candidate na si Vickie Rushton sa nakaraang coronation night ng nasabing beauty pageant.

Naba-bash siya dahil marami ang nadismaya sa kanyang performance sa question and answer portion ng kompetisyon.

Sey ng dating “PBB” alumna, na-blangko raw siya sa pagsagot dahil na-distract siya ng audience.

Abante Hiring – IT dep

“Nasasayangan ako kasi I know na, kung ano ang sasabihin ko, pero may nag-distract sa akin sa audience, doon ako nawala,” paliwanag niya. “May tumayo at nag-make face,” dugtong niya.

Hirit pa niya, pinaghandaan daw naman niya ang Q&A portion at kumpiyansa siyang masasagot ang question ng miyembro ng jury na sa kaso niya ay nakatoka kay Daniel Padilla.

“Oo naman po, kasi nag-prepare naman po ako kahit paano,” pahayag niya.
Maraming netizen ang nagtaas ng kilay sa kanyang naging explanation. Hindi nila ito masakyan.

Hindi raw kaya nagsilbing bangungot sa kanya si Daniel dahil sa ‘mental health’ question nito? Nakaka-nebyos ba si DJ?

Puna ng mapanuring beaucon aficionados, nagpapalusot lang daw ito dahil ang tunay na binibini raw ay hindi nawawalan ng poise under pressure.

Si Vickie ay naging early favorite ng mga judges dahil marami itong nahakot na special awards pero hindi ito nakabilang sa Top 5. Ngangabels sa dulo si Vickie. (Archie Liao)