Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Daniel bumaligtad ang sikmura

0 193

Aminado si Gardo Versoza na hindi niya akalaing papayag sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na magsayaw at maki-TikTok sa kanya. Nakumbinsi ng aktor ang KathNiel habang nasa taping sila ng The House Arrest of Us na pinagbibidahan ng dalawa..

Nang ipost ni Gardo ang pagsasayaw nilang tatlo ay nag-viral agad ito at ang daming naaliw.

Sa kuwento ng tinaguriang TikTok King sa Magandang Buhay, hindi raw niya talaga ine-expect na makukumbinsi niya ang KathNiel.

“Actually, nahihiya pa ako sa kanila nu’ng una. Tapos nilapitan ko si DJ. Sabi ko ‘Deej, cupcake, may ilalambing sana ako sa iyo?’ So, napaisip siya, akala niya siguro kung ano ‘yon.

“Sabi ko, ‘Baka pwede ko kayong makasama sa TikTok?’ ‘Naku Tito!’ Biglang dumistansiyang konti (si Daniel). Sabi niya, ‘Parang babaligtad yata ang sikmura ko.’ Sabi ko, ‘Kaya mo ‘yan.’ Sabi ko ‘simple lang hindi naman ‘yung complicated, eh,” kwento ni Gardo.

Nang ipakita raw niya kay DJ ang sayaw, sabi raw ng aktor, ‘Tito, teka lang, buwelo lang ako.’

At ‘yun na nga, tulad ng nakita natin sa video, biglang sumingit nga si Daniel habang nagsasayaw sina Gardo at Kathryn at gumiling-giling na ang aktor.

Dahil nga napakaraming naaliw sa video especially ang KahtNiel fans, napakaraming nagre-request ngayon kay Gardo na masundan pa ang TikTok niya kasama ang dalawa.

“Hindi ko masabi naku pahirapan ‘yung lambing na ‘yan. Sabi ko nga priceless ‘yung Tiktok na ‘yon nina DJ,” sey ni Gardo.

Maging ang nanay ni Daniel na si Karla Estrada ay aminadong na-shock sa pagsasayaw ng anak.

“Kasi, first time niya ‘yan,” sabi ni Karla.

Pero na-happy naman daw siya nang makita ang TikTok dance ng anak with Gardo dahil matagal na raw niyang kaibigan ang aktor pati na ang ibang co-stars ni DJ tulad nina Dennis Padilla at Ruffa Gutierrez kaya natutuwa siya na magkakasama ang mga ito sa isang proyekto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.